Las Piñas LGU, nagsagawa ng house-to-house vaccination

Bukod sa mga itinatalagang vacciantion sites ay isinasagawa rin ng lokal na pamahalaan ang pagbabahay-bahay sa mga iba’t ibang barangay sa Las Piñas.

Masusing sinusuyod ng mga vaccination teams ng city health office ang mga residente upang makapagbakuna ng first dose at booster shot sa kanila mismong mga tahanan.

Inilapit ng Pamahalaang Lokal ng Las Piñas ang COVID-19 vaccine sa mga residente sa lungsod upang hindi na sila mahirapan kung sakaling malayo ang lokasyon ng kanilang mga tahanan sa mga vaccination sites.


Bukod pa rito ay namamahagi rin ng libreng Vitamin C at paracetamol para sa mga residenteng nagpabakuna sa kanilang mga bahay.

Ang schedule ng pagpunta ng mga vaccination teams sa bawat barangay ng lungsod ay maaaring makita sa City of Las Piñas Facebook page.

Facebook Comments