82,232 na mga pamilya ang nakalista sa 20 Barangay ng Las Piñas na dapat makinabang sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan ngayong may COVID crisis.
Pero ikinalungkot ng Las Piñas City Government na 67,738 pamilya lamang ang inaprubahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mabigyan ng tulong pinansyal.
Plano ng Las Piñas City Government na i-apela sa DSWD National ang mga hindi makatatanggap na kwalipikadong pamilya sa lungsod.
Hahanapan din ng paraan ni Mayora Mel Aguilar na sila ay matulungan.
Kaugnay nito ay nababahala naman ang Lokal na Pamahalaan at mga opisyal ng Barangay na malagay sila sa alanganin.
Ito ay dahil posibleng magkaroon ng maling kaisipan ang publiko na may korapsyon lalo na kung nakatanggap ang kanilang kapitbahay samantalang sila ay hindi pero nasa listahan naman sila ng Barangay at Local Government.