Las Piñas PNP, nagpasalamat sa lokal na pamahalaan sa pagkakaloob ng booster shots sa kanilang mga tauhan

Nagpapalasamat ang buong pamunuan ng Las Piñas City Police sa lokal na pamahalaan matapos pagbigyan ang kanilang hiling na maturukan rin ng booster shot ang kanilang mga tauhan.

Ayon kay Las Piñas City Police Chief Col. Jaime Osit Santos, umaabot sa 498 ang bilang ng kanilang personnel na naturukan na ng booster shots kontra COVID-19.

Sinabi ni Col. Santos na malaking tulong ito sa kanilang hanay para masigurong ligtas din ang kaniyang mga tauhan sa COVID-19 lalo na’t isa sila sa mga nagpapatupad ng health protocols.


Bukod sa mga tauhan ng Las Piñas City Police, ilan din sa mga miyembro ng kanilang pamilya ang nabigyan ng booster shots at first dose ng bakuna,

Dagdag pa ni Col. Santos, nasa 40 na persons deprived of liberty (PDLs) na nasa kanilang custodial facility ang naturukan ng bakuna kabilang rin ang nasa 300 na inmates sa Las Piñas Police extension jail.

Bukod sa bakuna, nakatanggap din ang mga pulis ng food packs at iba pang tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Las Piñas.

Facebook Comments