Las Piñas, posibleng maubusan ng trabahong maiaalok sa kanilang lugar

Nanganganib na maubusan ng mga trabahong maiaalok ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas para sa mga mamamayan nitong nangangailangan ng hanapbuhay.

Ayon kay Ryan Lindo, alter-ego ni Las Piñas City PESO Redante M. Garcia, halos lahat ng mga trabahong kanilang naiaalok sa pamamagitan ng mga in-house job offering nila ay mga trabahong nasa labas ng Las Piñas gaya ng Muntinlupa at Parañaque.

 

Nagsimulang bumaba ang job opportunities ng Las Piñas nang magsulputan ang mga pagawaan sa Laguna at Batangas. Mula noon ay nagsilipat na din doon ang mga dating pagawaan na dito matatagpuan sa Las Piñas gaya ng kilalang Philips na taga-gawa ng mga kagamitan sa pagpapailaw at iba pa.


 

Sa ngayon, liban sa mismong City Hall, ang SM na lamang ang nakakapag-alok ng trabaho para sa mga taga-Las Piñas. Samantala, posibleng maganap ang unang Mega Job Fair ng Las Piñas City PESO sa darating na February 25.

Sa kasalukuyan ay in-house Job Fair ang kanilang pinagkakaabalahan kung saan, mula January 7, humigit kumulang 400 aplikante na ang kanilang naserbisyuhan at may 30% hired on the spot. (DZXL RADYO TRABAHO RadyoMaN Ronnie Ramos)

 

Sa mga nais na magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himipilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

Maaari niyo ring i-send ang kopya ng inyong resume o curriculum vitae sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming radyo trabaho hotline: 882 2370
Radyo Trabaho textline: 0967 372 9014

Sa Radyo Trabaho, walang personalan… trabaho lang!

#XL558RADYOTRABAHO #XL558JOBOPENINGS#XL558USAPANGTRABAHO #RADYOTRABAHO
#XL558MEETTHEBOSS

 

Facebook Comments