Tiwala si Las Piñas City Rep. Camille Villar na sa katapusan ng taong 2021 ay matatapos nila ang pagbabakuna sa mga menor de edad.
Katunayan aniya hanggang nitong November 17 ay nangahalati na sila sa target pediatric population na nabigyan ng unang dose ng COVID-19 vaccine.
Patuloy naman ang paghimok ng kinatawan sa mga taga-Las Piñas na magpabakuna na bago ang nakatakdang pagtatapos ng kanilang “May Bahay sa Bakuna” incentive program.
Mayroon aniyang hanggang December 5 ang mga residente para magpabakuna at maisumite ang kanilang entries para sa pagkakataong manalo ng house and lot.
Inilunsad ng pamahalaang lokal ang naturang incentive program upang mahikayat ang kanilang constituents na magpabakuna.
Facebook Comments