Las Vegas Shooting │ Walang Pinoy na nadamay – DFA

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na walang Filipino ang nasugatan at nasawi sa nangyaring mass shooting sa Las Vegas.

Sa pinaka huling datos, umaabot na sa mahigit 50 ang nasawi habang hindi naman bababa sa 500 ang sugatan sa itinuturing na “deadliest shooting in modern U.S. history”.

Ayon kay DFA Spox/Asec Rob Bolivar kahit walang Pinoy ang nadamay tuloy tuloy parin ang ginagawa nilang pakikipag ugnayan sa ating mga kababayan na naninirahan at nagttrabaho sa Las Vegas.


Samantala, wala sa Amerika nang mangyari ang Las Vegas massacre ang unang iniuugnay dito na si Marilou Danley.

Kinumpirma narin ng Las Vegas sheriff na hindi na kabilang si Danley sa itinuturing na person of interest.

Ayon pa sa DFA, hindi parin tiyak ang nationality ni Danley na una nang sinabi na isang Pinay.

May mga ulat din aniya na nasa Pilipinas ito nang maganap ang nasabing insidente nuong Linggo, base narin sa mga natatanggap nilang impormasyon ay naka alis na o wala na ito sa bansa.

Facebook Comments