Lasing na Binata, Patay matapos mabangga ng Trailer Truck

239

*Cauayan City, Isabela*- Dead on the spot ang isang binata matapos aksidenteng mabangga ng tsuper ng trailer truck kagabi sa pambansang lansangan ng Brgy. Balete, Santa Fe, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang biktima na si Dimpo Banao, 24 anyos, isang binata at residente sa nasabing lugar habang nakilala ang suspek na si Ray Marcial, 36-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Manibaug Porac, Pampanga.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj. Jobs Videz, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), habang binabagtas ng tsuper ng trailer truck ang timog direksyon nang biglang tumawid ang isang lalaki sa lansangan at aksidente naman nitong nasagasaan ang biktima.

Lumabas pa sa imbestigasyon ng pulisya na pinilit pa umanong magpreno ng suspek ngunit huli na ng mangyari habang nasa impluwensya naman ng nakalalasing na inumin ang binata habang naglalakad ito patawid sa kabilang linya ng kalsada nang mangyari ang aksidente.

Nagpaalala naman ang otoridad sa publiko na maging aral ang nangyaring insidente sa isang binata na pawang lango sa nakalalasing na inumin.

Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide ang tsuper ng truck matapos ang nangyaring insidente.

Facebook Comments

From Advertisers