Lasing na Binata sa Luna Isabela, Aksidenteng Nasaksak ng Sariling Kapatid- Patay!

Luna, Isabela – Patay ang isang binata matapos na aksidenteng masaksak ng sariling kapatid dahil sa kalasingan at panggugulo nito sa kanilang bahay sa Brgy. Union Kalinga, Luna, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng Luna Police Station, kinilala ang biktima na si Mark Anthony Gamboa Telan, tatlumpu’t siyam na taong gulang samantala ang suspek ay si Elvis Gamboa Telan, may asawa at pawang mga residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na pinapatigil ng suspek ang kapatid dahil sa panggugulo at kalasingan nito ngunit bigla umanong bumunot ng patalim at inundayan ng saksak ang suspek.


Maswerte naman na hindi natamaan ang suspek at nagawang kunin ang patalim ngunit aksidente umano na nasaksak sa kanang bahagi ng dibdib at kaliwang braso ng biktima.

Itinakbo sa pinakamalapit na ospital si Mark Anthony Telan pero idineklarang dead on arrival na ito.

Inaresto naman ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya ngunit napalaya rin matapos na nagsadya ang pamilya sa PNP Luna at napagdesisyunan na hindi na magsasampa ng kaso laban sa suspek.

Facebook Comments