Lasing Na Driver, Nakabangga!

Baguio, Philippines – Huwag uminom ng alak kung ikaw ay magmamaneho!

Yan ang laging paalala sa atin ng ating mga magulang at ng gobyerno para hindi madisgrasya at makadisgrasya.

Isa na namang insidente ng banggaan ang naganap kagabi, sa tapat ng San Luis Elementary School dito sa lunsod ng Baguio, magaalas-onse ng gabi.


Napag-alaman na nakainom ang driver ng elf truck, bago sumalpok ang nasabing truck ay nakita na itong pagewang-gewang sa kalsada. Nagdulot ito ng matinding trapik sa nasabing lugar.

Kasalukuyang nag-uusap ang dalawang panig tungkol sa negosasyon.

Facebook Comments