Lasing na Lalaki, Huli sa Pagpapaputok ng Baril

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos umanong magpaputok ng baril nitong umaga ng Abril 4 sa Panopdopan, Lamut, Ifugao.

Kinilala ang suspek na si Mark Dulnuan Buyayo, 39-anyos at residente sa lugar.

Base sa impormasyon ng Ifugao Police Provincial Office (IPPO), agad na rumesponde sa isang tawag ang mga kasapi ng pulisya sa hinihinalang nagpapaputok ng baril.


Nagpositibo naman sa nakalalasing na inumin ang suspek ng arestuhin ng mga otoridad.

Narekober sa lugar ang anim (6) na basyo ng bala ng caliber 22 Taurus revolver sa paligid ng bahay ng suspek.

Naisailalim na sa medical examination ang suspek habang ang mga ebidensya ay ipinasakamay na sa crime laboratory para sa ballistic examination.

Nahaharap si Buyayo sa kasong Alarm and Scandal at Illegal Discharge of Firearm.

📸PNP Lamut

Facebook Comments