LASING NA MANGINGISDA, NALUNOD SA DAGAT SA BANI

Malungkot ang sinapit ng isang 49 anyos na mangingisda sa Bani, Pangasinan matapos na malunod sa dagat.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas otso trenta palang ng umaga ay lango na sa alak ang biktima kasama ang kapwa rin nito mangingisda.

Nagpunta umano ang biktima sa dagat at hinayaan na lamang ng mga kasama nito dahil sa nakasanayan na nitong maligo sa dagat kahit nakainom ng alak at alam naman nitong lumangoy.

Ngunit sa kasamaang palad, hindi na umahon at nalunod ang biktima.

Agad naman itong dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments