Lasing na mister, patay sa saksak ng misis dahil umano sa pera

1619

Nasawi ang isang mister sa kamay ng sariling kabiyak sa gitna ng pagtatalo dahil sa problema sa pera nitong Martes sa Sta. Elena, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Emmanuel Andes, 45, residente ng Barangay Bulala, habang sumuko naman ang 29-anyos niyang misis na si Franz Gretchen, 29-anyos.

Batay sa Sta. Elena Police, alas-8 ng gabi nang umuwing lasing ang mister at kinompronta ang misis tungkol umano sa problema nila sa pamilya at sa pera.


Uminit ang pagtatalo hanggang sa kumuha ng kutsilyo ang babae at sinaksak sa kaliwang bahagi ng tiyan ang biktima.

Naisugod pa ng mga kapitbahay at kaanak sa ospital ang mister, ngunit namatay rin habang nilulunasan.

Sumuko naman sa awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.



Facebook Comments