Lasing na Motorista, Sugatan Matapos Sumalpok sa Sasakyan!

77

Cauayan City, Isabela- Sugatan ang isang lalaki matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na sasakyan sa kahabaan ng Brgy. Macalauat, Angadanan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, binabaybay ni Lambert Soria Narceda, walang asawa, residente ng Brgy. San Juan, Aurora, Isabela ang lansangan lulan ang itim na Mio at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay umagaw ito sa kabilang linya kaya’t bumangga sa kasalubong na Toyota vios na minamaneho ni Oscar Grate Peralta Jr, 35 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Dingading, San Guillermo, Isabela.


Nagtamo ng mga pinsala sa katawan ang sakay ng motorsiklo na agad dinala sa pagamutan para sa kaukulang lunas.

Nabatid na positibo sa nakalalasing na inumin ang biktima.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang daryber ng sasakyan maging ang mga nasangkot na behikulo para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments