LASING NA MOTORISTA, SUGATAN SA BANGGAAN NG MOTORSIKLO AT KOTSE SA BASISTA

Isang lalaki ang nasugatan matapos magbanggaan ang kanyang motorsiklo at isang kotse sa Barangay Malimpec, Basista, Pangasinan bandang alas-11:50 ng gabi noong Oktubre 28, 2025.

Batay sa imbestigasyon, binabagtas ng motorsiklo ang kalsadang patungong hilaga habang tumatawid naman sa kabilang direksyon ang kotse.

Sa gitna ng pagtawid, nagkasalpukan ang dalawang sasakyan na nagdulot ng pagkakasemplang ng motorsiklo.

Nagtamo ng pinsala sa ulo ang drayber ng motorsiklo at agad na dinala sa ospital sa Bayambang para sa gamutan.

Lumalabas sa pagsusuri na positibo ito sa alak at walang suot na helmet nang mangyari ang insidente.

Samantala, ligtas naman ang drayber at pasahero ng kotse ngunit isinailalim din sila sa medikal na pagsusuri. Parehong sasakyan ay nagtamo ng pinsala at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments