Arestado ang isang pulis matapos itong ireklamo ng pagpapaputok ng baril sa isang resort sa Brgy. Caviernesan, Mangatarem Pangasinan nitong linggo ng gabi.
Kinilala ang naaresto na si Police Chief Master Sergeant Raul Cayabyab, 48 anyos, residente sa bayan at naka-assigned sa Police Regional office 1.
Ayon sa pulisya, pasado 10:45 ng gabi , isang concerned citizen ang tumawag sa kanilang istasyon matapos marinig ang sunod-sunod na putok ng baril sa isang resort.
Dito na nakita ang si Cayabyab at agad na inaresto ng mismong hepe ng Mangatarem PNP na si Police Major Arturo Melchor.
Aniya, doon isinagawa ang birthday party ng anak ni Cayabyab at sa sobrang kalasingan nagawa nitong paputukin ang kaniyang baril.
Nakuha sakniya ang 9mm pistol at narekober ng awtoridad ang 42 basyo ng bala nito at isang live ammunition. Nahaharap sa kasong Alarm and Scandal si Cayabyab.
Sinabi ni PCOL Jeff Fanged, PANGPPO Provincial Director, hindi nito palalampasin dahil parte ng kaniyang pangako ang hindi pagkunsinti sa mga maling gawain ng kaniyang kasamahan sa serbisyo.
Tiniyak ni Fanged na makakaasa ang publiko na wala itong kinikilingan o pinapaboran para sa katahimikan ng probinsya. | ifmnews
Facebook Comments