LASING NA RIDER, SANGKOT SA BANGGAAN NG MOTORSIKLO AT TRICYCLE SA NATIVIDAD

Nauwi sa banggaan at pagkakasugat ng dalawang motorista ang isang aksidente na naganap bandang alas-6:30 ng gabi noong Sabado, sa kahabaan ng provincial road ng Brgy. Poblacion West, Natividad, Pangasinan.

Batay sa paunang imbestigasyon, kapwa binabagtas ng dalawang sasakyan ang kanlurang direksyon bago mangyari ang insidente. Ang unang sasakyan ay isang pulang motorsiklo na minamaneho ng isang 62-anyos na lalaki, na ayon sa ulat, maayos umanong gumamit ng signal light ang drayber ng tricycle nang tangkain nitong kumaliwa.

Gayunman, sa parehong sandali ay sinubukan umanong mag-overtake ng ikalawang motorsiklo na minamaneho ng isang 19-anyos na binata, Napag-alaman na ang nasabing rider ay walang driver’s license at positibo sa alcohol breath test, indikasyon na siya ay nasa ilalim ng impluwensya ng alak nang mangyari ang insidente.

Dahil sa hindi inaasahang pag-overtake, nagbanggaan ang dalawang sasakyan na naging sanhi ng pagkakatumba ng mga ito sa sementadong kalsada. Kapwa nagtamo ng pinsala ang mga drayber at agad na isinugod sa ospital upang mabigyan ng medikal na atensyon.

Samantala, kapwa nagtamo rin ng pinsala ang dalawang sasakyan, bagama’t hindi pa matukoy ang kabuuang halaga ng gastusin sa pagkukumpuni. Ang mga ito ay dinala na sa kustodiya ng Natividad Municipal Police Station para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.

Patuloy na pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko, lalo na ang mga motorista, na sumunod sa batas trapiko at iwasan ang pagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng alak upang maiwasan ang ganitong uri ng aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments