Lasing-patay sa shootout

38

General Santos City—binawian ng buhay ang isang lasing matapos itong nakigbarilan sa pulisya na nag respondi sa reklamo ng asawa ng mismong suspek matapos itong nag-amok sa kanilang bahay sa Prk. 19, zone 6, Barangay Lagao Gensan.
Kinilala ang suspek na si Samuel Cornel, 52, residenti ng nasabing lugar. Alas 6:15 ng gabi , nang nagsumbong ang asawa ng suspek sa tanggapan ng Police Station 3, matapos itong binantaan ng suspek na barilin dahil sa kalasingan.
Dahil sa subrang takot, dumulog ng Police Station 3 ang ginang para pakalmahin ang kanyang asawa dahil baka mamaril ito bigla ng kanilang mga kalit bahay.
Pero ng rumispondi na ang tropa ni Police Chief Inspector Aldren Gonzales, Hepe ng Police Station 3, inunahan na ng suspek ang pulisya pero wala itong natamaan.
Napilitan naman ang pulisya na barilin ang suspek kung saan ay nagtamo ito ng limang sugat sa kanyang katawan na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
Sinabi ni PCI Gonzales na hindi nila intensyon na patayin ang suspek pero dahil inunahan sila nito wala silang nagawa kondi ang pagganti ng putok.

Facebook Comments