LASON | Ilang probinsya sa bansa, positibo pa rin sa paralytic shellfish poison

Manila, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na positibo pa rin sa paralytic shellfish poison ang ilang probinsya sa bansa.

Batay sa bulletin ng BFAR, apektado ng shellfish poison ang mga coastal waters ng:

*Western Samar:*
Daram Island; Cambatutay; Irong-Irong; Maqueda Bay; Villareal Bay


*Masbate*
Mandaon

*Bataan*
Mariveles; Limay; Orion; Pilar; Balangi; Orani; Abucay; Samal

*Eastern samar*
Matarinao Bay

*Leyte*
Carigara Bay

*Surigao Del Sur*
Lianga Bay

*Palawan*
Honda Bay, Puerto Princesa

Sa abiso ng BFAR, lahat ng uri ng shellfish na makukuha sa mga nabanggit na lugar ay hindi ligtas kainin.

Pero maari pa ring kumain ng isda, pusit, hipon at alimango basta’t nahugasan at naluto ito ng maigi at naalis ang mga internal organs gaya ng hasang.

Facebook Comments