LASON NA HALIK: BINATA, KALABOSO MATAPOS HALIKAN ANG ISANG MENOR DE EDAD!

Cauayan City, Isabela- Sa halip na malambot na labi, malamig at matigas na bakal ang hinihimas ngayon ng isang binatang gasoline boy matapos sapilitang halikan ang labi ng isang menor de edad.

 

Nakilala ang suspek sa pangalang Mark, 22 taong gulang, isang galosine pump attendant at residente ng District 2, Cauayan City. Samantalang ang 12 taong gulang na biktima ay itinago sa pangalang Bianca, grade 7 student at residente ng Poblacion region dio sa lungsod ng Cauayan.

 

Ayon sa paunang imbestigasyon ng WCPD Section ng PNP Cauayan City, nagpa galosina ang tito ng biktima sa pinagta trabahuan ng susek. Nakaramdam ng tawag ng kalikasan si Bianca kaya nagtanong kung nasaan ang CR. Nagboluntaryo umanong samahan siya ng suspek kaya pumayag ito. Pagpasok sa CR habang umiihi ang biktima ay nagtaka siya dahil pinapanood ito suspek. Hiniling ng biktima na umalis ang lalaki ngunit sa halip na umalis ay pumasok ito at hinawakan ang mukha ng biktima.


 

Ayon pa sa pulisya, sinubukan ng biktima na umalis pero pinigilan ito ng suspek at sinabing ‘babayaran naman kita’ at bigla nitong hinalikan sa labi. Agad na nagsumbong ang biktima sa kanyang tiyuhin na agad nagparesponde sa kapulisan.

 

Nakatakdang sumailalim sa pre trial ngayong araw ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o Lasciovious Conduct . Ibinaba ito ng RTC Br.19 ng Cauayan City.

 

Ang suspek ay nasa kusstodiya na ng Cauayan District Jail. 180,000.00 ang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments