Last Bacth ng mga Locally Stranded Individuals mula BASULTA makakauwi na!

Nakaschedule na umuwing ngayong hapon ang natitirang 95 mga LSI na nagmumula sa Sulu at Tawi-Tawi.

Alas- 3 mamayang hapon maglalayag ang mga ito sakay ng private shipping company ayon pa kay BARMM IATF Covid 19 Spokesperson Asnin Pendatun sa panayam ng DXMY.

70 ay mga taga Sulu at 25 naman ay mga Tawi-Tawi. Inaasahang sa August 4 at August 5 makakarating sa kani-kanilang mga probinsya ang mga ito dagdag pa ni Pendatun.


Bukod sa pananabik at pag-asa, bitbit rin ng mga LSI pauwi ay tig 25 kilo na bigas, hygiene kit at 5000 pesos na mula sa BARMM Government.

Nauna na ring nakauwi ang mga LSI sa Basilan na may kaakibat na tulong mula BARMM Government.

Matatandaang 405 na mga LSI mula BASULTA ang sinaklolohan ng BARMM Government katuwang ang Maguindanao Government matapos makaavail ng Balik Probinsya Program.

BARMM PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments