Manila, Philippines – Mahigit sa 400 undocumented Overseas Filipino Workers (OFW) pa ang inaasahang darating sa bansa bago magpaso ang pinalawig na Amnesty program ng Kuwaiti Government.
Sa datos ng DFA, 113 OFWs ang dadating sa bansa mamayang gabi habang 326 OFWs naman ang dadating sa Linggo.
Simula nang ipatupad ang repatriation program nuong February 11 nasa 5,000 OFWs na ang nakabalik ng bansa.
Ang nasabing bilang ay mula sa higit sa 10,000 undocumented OFWs na nagtatrabaho sa Kuwait.
Sa ngayon wala pang impormasyon kung palalawiging muli ng Kuwait ang nasabing amnesty program.
Bukas, April 22 nakatakdang magpaso ang amnesty program sa mga undocumented OFWs.
Pagkaraan nito maaari nang hulihin, kasuhan at ikulong ang mga overstaying undocumented migrant workers.