Manila, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) na ngayon ang huling araw ng voters registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Ayon sa COMELEC, ang mga application para sa registration, reactivation, change o correction ng entries, inclusion o reinstatement of records sa listahan ng mga botante ay dapat ihain sa Office of the Election Officer ng lungsod, distrito, munisipalidad kung saan nakatira ang aplikante.
Patakaran ng COMELEC, kapag alas-tres na ng hapon ay mayroon pa ring nakapila para magpasa ng kanilang applications, 30 metro ang layo sa tapat ng lugar kung saan ginagawa ang registration, kukunin ng election assistant ang kanilang pangalan at bibigyan ng number.
Ang mga aplikante na hindi humarap matapos tawagin ang kanilang numero ay hindi na papayagang magpasa ng application.
Sa huling datos ng COMELEC, aabot na sa halos 500,000 applications for registration ang kanilang natatanggap.