Last minutes enrollees, inaasahan ng DepEd ngayong huling araw ng enrollment

Inaasahan ng Department of Education (DepEd) na dadagsain ng mga magpapa-enroll ngayong huling araw ng pagpapatala sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2020-2021.

Sa interview ng RMN Manila kay DepEd Undersecretary Tonisito Umali, dahil sa kaugalian ng mga pinoy, inaasahan nila ang mga hahabol sa last minute ng pagpapa-enroll.

Kasabay nito, sinabi ni Umali na maaari pa rin nilang tanggapin ang mga estudyanteng hindi makakahabol ngayon huling araw ng enrollment, pero ito ay valid reason dapat.


Batay sa datos ng DepEd, as of 5:30pm kahapon July 14, 2020 umabot na sa 18.9 million ang mga nakapagpa-enroll na mag-aaral sa public schools habang nasa 1.2 million naman sa private schools.

Naitala din ng DepEd ang nasa 300,000 na mga estudyante mula private na lumipat sa public schools.

Inaasahan sa mga susunod na araw ay makapaglalabas na ang DepEd ng pinal na bilang ng mga nagpatala sa public school na magiging batayan para sa ipapatupad na blended learning ngayong taon.

Facebook Comments