LAST RUN NG IFM PAKALOG BINGO GAME, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA BARANGAY MANGIN DAGUPAN CITY

Muling naghatid ng saya at papremyo ang IFM Dagupan sa last run ng IFM Pakalog Bingo Game sa mga residente ng Brgy. Mangin, Dagupan City nito lamang ika-13 ng Mayo 2023.
Nag umpisa ang IFM Pakalog noong ika-22 ng Abril at isinagawa ito tuwing araw ng Sabado sa ilang piling barangay sa lungsod ng Dagupan.
Kabilang sa mga Barangay na napuntahan ng IFM Dagupan Team ay ang Malued, Bonuan Boquig, Pantal at Mangin.

Kaalinsabay ng IFM Pakalog Bingo Game ay laging kasama ang Ma. Corina Canoy Feeding program sa paghahatid ng serbisyo bilang munting pampainit at pampawi sa gutom ng ilang Barangay nating napuntahan.
Samantala, sa bawat hiyawan at sigawan sa nabunot ng letrang sinasambit ay hindi namin makakalimutan ng 104.7 iFM ang mga ngiti at saya sa inyong mga labi.
Muli, mula dito sa IFM Dagupan maraming salamat mga Idol! |ifmnews
Facebook Comments