Kasado na ang security plans ng Quezon City Police District (QCPD) isang linggo bago ang Semana Santa.
Ayon kay Police Captain Haina Asalan, ang Chief PIO ng QCPD.
Magde-deploy sila ng nasa mahigit isang libong pulis sa matataong lugar sa Quezon City.
Dadagdagan din ang mga pulis na magpapatrolya at mga magbabantay ng checkpoint sa mga istratehikong lugar.
Maglalagay din ng K9 units sa mga terminal ng bus, train stations, simbahan at maging sa paligid ng mga mall.
Mayroon ding police assistance desks kung saan maaaring humingi ng tulong ang publiko.
Magsasagawa rin ng inspeksyon ang QCPD sa mga bus terminal.
Tiniyak ni Asalan na wala silang natatanggap na anumang banta sa seguridad sa lungsod mula sa kanilang intelligence sources pero hindi aniya sila nagpapakakampante.
Paalala ng QCPD sa mga pauwi ng probinsya, tiyaking naka-lock ng maayos ang pintuan at gate ng bahay at kung maaari ay ibilin sa mapagkakatiwalaang kamag anak o kaibigan ang bahay.