Late car registration at renewal ng lisensiya sa calamity stricken areas, hindi na papatawan ng multa — LTO

Hindi na papatawan ng multa ng Land Transportation Office (LTO) ang late registration sa mga sasakyan at renewal ng driver’s license sa mga lugar na hinagupit ng mga bagyo at ng habagat.

Ayon kay LTO acting Chief Greg G. Pua Jr., alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na ayudahan ang mga nasalanta ng sunod-sunod na kalamidad na tumama sa bansa.

Saklaw ng memorandum ang weekly surcharge ng late motor vehicle registration at driver’s license renewal mula July 21-25.

Saklaw rin ng memo ang mga sasakyan na binili noong July 21 hanggang 25, 2025 at hindi nairehistro sa takdang panahon.

Ayon kay Pua, ang pagbibilang sa araw ng sales invoice ay magsisimula sa August 8, 2025 para makaiwas sa penalty sa late registration of new motor vehicles.

Ipatutupad din aniya ang 15-day period para sa settlement sa lahat ngl traffic apprehension cases na may petsang July 21-25.

Facebook Comments