Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga magulang na i-enroll ang kanilang mga anak sa lalong madaling panahon sa halip na hintayin ang Nobyembre na deadline sa late registration.
Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, mas mainam na maagang ipa-enroll ang kanilang mga anak lalo na at nagsisimula na ang klase sa public schools.
“While late enrollment is until Nov. 21, we appeal to the parents and guardians – who still have plans to send their children to school – to enlist them as soon as possible and not wait until next month,” sabi ni Mateo.
Dagdag pa ni Mateo, ang maagang pagpapa-enroll ay beneficial sa mga bata para hindi sila mahirapang makahabol sa mga aralin.
Nabatid na nagsimula ang klase nitong October 5 sa pamamagitan ng distance learning at sa ilalim ng Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP).
Sa ngayon, aabot sa 24.81 million students ang naka-enroll sa pampubliko at pribadong eskwelahan.