Late-night broadcast ng “Talk to the Nation” ni Pangulong Duterte kahapon, normal – Malakanyang

Walang nakikitang problema ang malakanyang sa late-night broadcast ng lingguhang public address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, walang problema kahit ma-ere ito ng gabi dahil nire-replay naman ito ng PTV-4 kinabukasan para sa mga hindi makakapanood.

Nagsimula ang lingguhang “Talk to the Nation” ni Pangulong Duterte nang magsimula ang pandemya nakaraang taon.


Present din palagi ang mga miyebro ng gabinete sa public address ng pangulo upang magbigay ng update sa ginagawang programa ng gobyerno upang malabanan ang COVID-19.

Facebook Comments