Latest SWS survey, welcome sa Palasyo

Ikinagalak ng Palasyo ang pinaka huling resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey kung saan lumalabas na bumaba ang bilang ng mga adult ng walang trabaho.

Sa nasabing SWS survey mula 21.5% nuong September 2019 ay bumaba sa 17.5% nitong December 2019 ang mga walang trabaho.

Nabatid na mula sa SWS ang pagbulusok ng urban joblessness noong December 2019 ang naitalang pinaka mababa sa loob ng 15 taon sa 15.3%.


Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kinikilala ng Duterte Administration ang kahalagahan ng Philippine Labor Force at ang paggamit ng Human Resources para sa ikabubuti at ikagaganda ng buhay ng mga Pilipino.

Kasunod nito makakaasa aniya ang sambayanang Pilipino na ipagpapatuloy ng administrasyon ang paglikha ng maraming trabaho nang sa gayon darating ang araw na halos lahat ng Pinoy ay mayroong disenteng trabaho.

Facebook Comments