Mindanao, Philippines- Umakyat na sa 5 katao ang mga naitalang sugatan sa
pagsabog ng improvised explosive device kaninang umaga sa Tacurong City.
Dakong alas 8:30 ng maganap ang pagsabog malapit sa VMC Clinic and Hospital
tabi lamang ng Sultan Kudarat Electric Cooperative of SUKELCO.
Ayon sa report mula kay PNP 12 spokesman Police Supt. Romeo Galco na bago
ang insidente isang lalaki umano na dipa nakikilala ang bigla na lamang
naghagis ng IED patungo sa direksyon ng naturang electric cooperative na
agad namang sumabog.
Kinilala ng PNP ang sugatang biktima na si Janice Alacdo Barote, 34 anyos,
isang Turon vendor at residente ng Purok Sampaguita, Brgy. New Carmen ng
nasabing lungsod na nagtamo ng sharpnel wounds sa katawan na agad namang
isinugod sa VMC hospital
Isinugod din sa Sandig Hospital sina:
2. Arnold Pamplona
3. Jumel Alya
4. Edison Escultero
5. Romel Carnazo
Nabatid na kasalukuyan umanong nagkakaroon ng open forum ang mga personnel
ng nasabing electric cooperative ng maganap ang pagpapasabog. Patuloy
parin hanggang ngayon ang ginagawang imbistigasyon ng mga otoridad sa
naganap na insidente.