Launching ng ‘DA-Kadiwa at DTI-Diskwento Caravan’, lalarga na ngayong umaga

Umarangkada na ngayong umaga ang pinagsamang Kadiwa at Diskwento Caravan ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI).

Mismong sina DA Secretary William Dar at DTI Secretary Ramon Lopez ang mangunguna sa ilulunsad na caravan sa Greenheights Gym, Bgy. Nangka, Marikina.

Ang hakbang ng DA at DTI ay isinakatuparan matapos magkasundo ang dalawang ahensiya na i-tie-up ang kanilang programa.


Kung dati mga agri-fishery products lamang ang ibenebenta ng Kadiwa, sa ngayon may kasama nang mga discounted manufactured goods.

Una nang sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na paborable sa mga residente ang programa dahil lahat ng kanilang pangangailangan ay mabibili na sa mga outlets.

Aniya, may kabababaan at abot kaya ang presyo kumpara sa ibang pamilihan sa Metro Manila dahil direktang kinukuha ang produkto sa sources.

Una nang iminungkahi ni DTI Sec. Lopez kay DA Sec. Dar na i-tie-up ang kanilang programa dahil magkapareho naman ng konsepto para matulungan ang publiko.

Facebook Comments