Launching ng PNP Clean Riders Campaign sa City of Ilagan, Matagumpay na Isinagawa!

17

*Ilagan City, Isabela-* Matagumpay na natapos ang isinagawang launching ng Clean Riders Campaign ng PNP Isabela sa pangunguna ni Provincial Director Police Senior Superintendent Mariano Rodriguez at iba pang mga matataas na opisyal ng Highway Patrol Group.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Superintendent Emmanuel Viernes, ang Deputy Provincial Director for Operations na bilang pakikiisa sa simultaneous na launching ng clean riders ng PNP ay dinaluhan umano ito ng nasa dalawang daang delegado mula sa iba’t-ibang bayan dito sa Lalawigan ng Isabela.

Nakapagbigay na rin umano sila ng isang daang clean rider stickers sa mga dumalo at sa mga susunod na araw ay tuloy-tuloy na umano ang kanilang isasagawang kampanya.

Ayon pa kay Viernes, Available na rin umano ang mga stickers sa mga Police Stations na ibibigay naman para sa mga magpapalistang motorista.

Inihayag pa Viernes na mayroon umano silang ilulunsad na isang unit upang tumulong sa pagpapatrolya at checkpoint ng mga pulis upang matutukan ang mga pasaway na motorista.

Tutulong rin umano ang kanilang bubuuing unit sa pagpapatupad sa mga traffic laws at maninita sa mga motoristang may nakakabit na illegal na modifications sa kanilang motorsiklo.

Facebook Comments