Matagumpay ang naging paglulunsad dalawang araw na Region 1 Solid Waste Management Advocacy Campaign ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pinangunahan nina Environment Sec. Jim Sampulna at Strategic Communication and Initiative Service Director Khalil Sergio Bayam, kasama rin si DENR Region 1 Director Atty. Crizaldy Barcelo at ilan pang opisyal ng Environmental Management Bureau Regional Office 1 sa pangunguna ni EMB Regional Director, Engr. Maria Dorica Naz-Hipe.
Naging highlight ang paglulunsad ng “Pinas: The Basura Buster Mascot & Basura Buster (BB) Gaming App”.
Sinabi EMB Regional Director, Engr. Maria Dorica Naz-Hipe na ang paglulunsad ng dalawang programa tulad ng mobile application na ‘Basura Buster (BB) Gaming App’ ay nilalayong makapagbigay sa mga bata ng kaalaman sa tamang pag segregate ng basura sa tulong ng kanilang magulang, ito umano ang pinaka-objective ng laro na matuto ang bata.
Ang icon naman ‘Pinas: The Basura Buster Mascot’, ito ay ang magiging simbolo ng solid waste management program ng ahensya.
Insert VC
Tinig ni EMB Regional Director, Engr. Maria Dorica Naz-Hipe
Kaugnay nito ay makikipag ugnayan ang EMB sa lokal na pamahalaan at makikipag ugnayan na rin sa pamunuan ng DepEd Division Offices upang sa gayon ay maipakilala ito sa mga batang estudyante dahil sa sila umano ang may direct supervision sa mga kabataan upang mapromote naman umano ang kanilang programa.
Sinabi naman ni Atty. Crizaldy Barcelo, Regional Executive Director, DENR 1, na maganda ang ganitong programa para sa promotional materials na layong maipakilala ang kanilang programa lalo na at mga kabataan ang kanilang target sa kabila ng pag usbong ng social media. | ifmnews
Facebook Comments