a, Philippines – Inamin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi nila maaaring pigilan na makalabas ng bansa ang mga kaanak ng sinasabing pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles.
Ayon kay Guevarra, tanging hold departure order lamang na ipapalabas ng korte ang makakapigil sa pamilya Napoles na makalabas ng bansa.
Sa ngayon aniya, wala namang HDO sa mga kaanak ni Napoles maliban na lamang kay Janet na nakakulong ngayon dahil sa plunder at graft cases bunga ng pork barrel scam.
Nilinaw din ni Guevarra na malayang nakalabas ng bansa noong nakalipas na buwan ang isa sa mga anak ni Janet Lim Napoles na si Jeane Catherine matapos itong i-absuwelto ng Court of Tax Appeals sa P17-million tax evasion case.
Una nang kinumpirma ni Guevarra na nananatili pa rin sa Pilipinas ang dalawa pang anak ni Janet Lim Napoles na sina Jo Christine at James Christopher; gayundin ang kapatid nitong si Reynald Luy Lim at asawa nitong si Ana Marie Lim.