Lauren Young, inireklamo ang “Chinese-only” policy ng isang restaurant

Image via Lauren Young

Ibinahagi ni Lauren Young, aktres at kapatid ni Megan Young na Miss World 2013, ang “For Chinese Customer” policy ng kaniyang paboritong restaurant sa Subic.

Ayon kay Lauren, ibinenta na ang establishimento sa isang Chinese businessman at kinuwestiyon niya ang legality ng restaurant.

Sa kaniyang tweet, ipinahayag niya rin na kung magkakaroon siya ng restaurant ay para lamang sa mga Pilipino.


“Is this even legal? (My fave resto in Subic has been sold and this sign is up) I really want to know if business owners are allowed to do this.

If I had a restaurant am I allowed to put up these signs for example: “Only for dog Customers” “Only for Filipino Customers” LMK.”

 

Nag-reply naman ang Department of Trade and Industry (DTI) na ireklamo na lamang sa Consumer Protection and Advocacy Bureau ang kaniyang concern.

Umani naman ang post na ito ng reaksyon mula sa mga netizen at sinabing mayroon ding iba pang restaurant sa Manila na ganito rin ang policy.

Samantala, binago rin ang nakalagay sa signage at pinalitan ng “Correction! We also serve Chinese Food.”

Facebook Comments