Lauren Young, nag-open up tungkol sa utang, pagtaba, at career

IG/Lauren Young

Sa latest vlog entry ni Lauren Young, ibinahagi ng aktres ang personal na karanasan at kinaharap na problema sa kasagsagan ng kanyang career.

Sa simula, sinabi ng aktres na dumating ang pagkakataon na inakala niyang nasa rurok na siya ng kanyang career.

“Akala ko sobrang perfect na ng buhay ko, ‘yun pala hindi,” ani Young.


Ikinuwento niya kung paano siyang nabaon sa utang dahil sa pressure at status na gusto niyang maabot.

Bumili siya ng condo at kotseng naging dahllan para magawa niyang mangutang sa mga kaibigan at sa kapatid niyang si Megan Young.

Sa huli aniya, nakinig siya sa payo ng kapatid na tanggalin na ang mga bagay ng hindi niya naman talaga kailangan.

“I am just really letting go of things that I don’t need and things that are not bringing me joy but are actually bringing me pain. They are dragging me down. I used to think that they symbolize a status. But it was actually just symbolizing greed and that’s something I didn’t want.”

Bukod sa problemang pinansyal, ikinuwento rin ni Lauren ang naging problema niya sa pakikisama sa mga katrabaho.

“I thought I was being funny but actually, I was being such a brat on set. I was being a diva. I thought I had the right to ask for certain things and treat people a certain way just because I was the actor on set. I was always making reklamo, I was always bitching. I was always demanding and judgmental towards my peers that I realized I was the negative person on the set.”

Saka niya naisipang baguhin ang ugali.

Kuwento niya, pumapasok na siya on time, mas naging mabait sa mga kasama, nag-focus pa sa skills, at hindi na naging “bitch”.

Sa dulo, sinagot niya ang pinakamadalas niyang matanggap na tanong mula nang bumalik sa showbiz: “Bakit ka tumaba?”

Ayon kay Young, dahil hindi masaya sa buhay, nilunod niya ang sarili sa pag-inom at pagkain.

Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan, aniya natutunan niyang wala dapat maging katwiran o dahilan para hindi resolbahin ang mga problema.

Facebook Comments