Lauri Markkanen ng Bulls, naitala ang season high score kontra Dallas

27

Nilampaso ng Chicago Bulls ang Dallas Mavericks sa score na 117-101.

Nakapagtala ng season-high na 29 points kasama ang 20 rebounds at 3 assists si Lauri Markkanen ng Bulls habang nagdagdag si Garrett Temple ng 21 points.


Sinamantala ng Bulls ang pagkawala ng limang players ng Mavs na sina Jalen Brunson, Dorian Finney-Smith, Maxi Kleber, Dwight Powell at Josh Richardson na naka-quarantine dahil sa COVID-19.

Nanguna naman para sa Mavs si Kristaps Porzingis na may 20 points at eight rebounds habang is Willie Cauley-Stein at James Johnson ay umambag ng tig-10 points.

Facebook Comments