Lauric acid mula sa VCO, nakikitang epektibo laban sa COVID-19, ayon sa DOST

Nadiskubre ng Department of Science and Technology (DOST) na ang lauric acid at mga derivatives nito na matatagpuan sa Virgin Coconut Oil (VCO) ay nakikitaan ng bisa panlaban sa SARS-CoV 2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19.

Ito ang lumalabas sa inisyal na resulta ng vitro studies ng ahensya.

Ayon kay Science Secretary Fortunato Dela Peña, ang monolaurin at lauric acid ay nakikitaan ng antiviral activity laban sa SARS-CoV-2.


Ito aniya ay food components at kinikilalang ligtas.

Sa ngayon, ang DOST ay mayroong tatlong VCO trials, kung saan isinasagawa ang mga ito sa Sta. Rosa Community Hospital, Philippine General Hospital (PGH) at ang ikatlo ay sa Singapore.

Facebook Comments