LAVA FOUNTAIN | Bulkang Mayon, muling nagbuga ng lava kagabi

Manila, Philippines – Muling nagbuga ng lava sa bulkang Mayon kagabi.

Sa video ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa kanilang Facebook page, makikita ang ‘lava fountain’ sa bulkan dakong alas 9:35 hanggang 9:48, Lunes ng gabi.

Ayon sa PHIVOLCS, may taas na 500 hanggang 700 metro ang ibinugang ‘lava fountain’ ng bulkan.


Nagbuga rin ito ng abo o ‘ash plume’ na umaabot sa apat na kilometro ang taas.

Nagdulot naman ito ng ‘ash fall’ sa mga bayan ng Guinobatan at Camalig sa Albay at ilang barangay sa Camarines Sur.

Facebook Comments