Lava fountaining ng Bulkang Taal, nagpapatuloy; Banta ng explosive eruption, nananatili – Phivolcs

487

Nananatili ang banta ng explosive eruption sa bulkang taal.

Sa press conference kanina, sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na nagpapatuloy ang aktibidad ng bulkan kabilang na ang lava fountaining.


Patuloy din ang mga pag-lindol sa ilalim ng bulkan.

Hindi naman masabi ng Phivolcs kung kailan posibleng sumabog ang Taal Volcano.

Paliwanag ni Solidum – depende ito sa bilis ng pag-akyat ng magma.

Kahapon, matatandaang sinabi ni Phivolcs Volcano Monitoring Division Chief Ma. Antonia Bornas na maihahalintulad sa ‘atomic bomb explosion’ ang itsura ng posibleng hazardous eruption ng bulkang Taal pero hindi naman kasinglakas nito.

Facebook Comments
From Advertisers