‘Lava walk’ at ‘Catriona serve’ ng batang volleyball player, kinagiliwan online

18989

Rumampa at kumembot muna bago mag-serve ng bola? Puwedeng-puwede!

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang “signature serve” ng isang batang manlalaro ng volleyball sa Iloilo City.


Sa kuhang bidyo ni Harold June Cañonaso, makikitang nag-lava walk muna ang atletang si Gian Carlo Calugas bago paluin ang bola sa volleyball match ng 2nd Congressional Meet sa Pavia, lalawigan ng Iloilo, nitong Nobyembre 8.

Pumalo sa mahigit 400,000 views at 11,000 shares ang mala-Catriona Gray na pagseserve ng mag-aaral mula sa Dorog Elementary School.

Bukod sa pagrampa, nag-iisplit, tumatumbling, at dumidive rin si Calugas habang tumatanggap at tumitira ng bola.

Ayon sa estudyante, paraan niya ito para ma-distract ang mga kalaban sa paligsahan.

Itinuturing din siyang “lucky charm” ng eskuwelahan sa mga sinasalihan nilang kompetisyon.

Nasungkit ng koponan ni Calugas ang tansong medalya sa nasabing palaro.

 

Facebook Comments

From Advertisers