Ibinabala ni Davao del Norte, 1st District Representative Pantaleon “Bebot” Alvarez ang posibleng “Breakdown of Law and Order” sa bansa.
Ito ang sinabi ni Alvarez sa oras na hindi makahanap ng balanseng solusyon ang pamahalaan na magpapanatili sa maayos na Pension System para sa Military and Uniformed Personnel o MUP retirees habang pinipigilan ang pinangangambahang fiscal crisis.
Ayon kay Alvarez, ang mga retiradong MUPs ay madalas na kinukuha ng pribadong sektor o mga korporasyon bilang consultants dahil sa kanilang malawak na kaalaman sa economics, finance, at iba pa.
Paliwanag ni Alvarez, delikadong mapunta sa kung saan at maudyukan na lumabag sa batas ang mga retiradong MUPs kung walang sapat na suporta para sa kanila ang pamahalaan.
Diin ni Alvarez, kung hindi maibibigay ang hiling na pensyon ng mga retiradong military personnel, ay maaring samantalahin ng mga organized criminal group o sindikato ang kanilang expertise upang gumawa ng krimen.