Muling nanindigan ang gobyerno ng Tsina na lehitimo ang law enforcement activities na kanilang isinasagawa sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng panibagong diplomatic protest ng gobyerno ng Pilipinas laban sa China dahil sa muling pang-ha-harass ng China Maritime Law Enforcement Authorities sa Philippine government vessels na nagpapatrolya sa territorial waters na sakop ng bansa.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Wang Wenbin, ang kanilang aktibidad ay nakapaloob sa hurisdiksyon ng China na naka-linya sa domestic at international law kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Sa ngayon, aabot na sa 211 diplomatic protests ang naisampa na laban sa China para sa mga ginawa nitong unlawful radio challenges, sounding of sirens, at blowing of horns habang nagpapatrolya ang Philippine vessels.
Sa nasabing bilang, 153 dito ang naisampa simula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte.