Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang law enforcement agencies na kasama sa operasyon ng pagpapasara ng mga Philippine Offshore Gaming Corporation (POGO) hub sa bansa.
Ito’y matapos ipag-utos ng pangulo ang total ban sa lahat ng POGO noong kaniyang ikatlong SONA.
Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Dr. Winston Casio, tinalakay sa pulong ang mga epektibong para sa pagsasara ng mga POGO at matiyak na wala ng lulutang na scam farms.
Inilatag din sa pangulo ang proseso ng pagpapa-deport sa mga illegal POGO worker na nasakote sa mga raid na ipinatupad ng PAOCC.
Inamin naman ng PAOC sa pangulo na hamon sa kanila ang pagpapauwi ng mga illegal POGO workers na hindi naka-rehistro.
Dahil dito, mahigpit na aniya ang pakikipag-ugnayan nila sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, tulad ng Department of the Interior and Local Government (DILG), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), Bureau of Immigration (BI), upang matunton at ma-deport na ang mga ito.