LAW ENFORCEMENT OPERATION | NCRPO, nakahandang umagapay sa mga operasyon ng MMDA

Manila, Philippines – Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakahanda silang umasiste sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa mga ginagawa nitong law enforcement operations.

Ito ay sa gitna ng pagiging marahas ng mga nakaka engkwentro ng MMDA kung saan ang ilan sa mga ito ay naghahamon ng suntukan, nakikipagmurahan at naghahamon pa na makipag barilan.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, kinakailangan lamang makipag usap ng MMDA sa District Director para makapag bigay sila ng mga back up na mga pulis.


Naki usap din ang incoming PNP Chief sa mga sinisita ng MMDA na konting lamig at wag pairalin ang pagiging arogante bagkus makipag usap ng mahinahon sa mga kawani ng MMDA.

Una nang sinabi ni MMDA Supervising Officer Bong Nebrija na paiigtingin nila ang law enforcement at clearing operations dahil kaliwa’t kanan ngayon ang road constructions kabilang na ang MRT 7 Project.

Facebook Comments