Law Enforcement Operations ng PNP tuloy kahit may christmas ceasefire sa pagitan ng CPP NPA

Nilinaw ni PNP Deputy Chief for Operations PLt General Camilo Cascolan na tuloy parin ang Law Enforcement Operations ng PNP laban sa New Peoples Army (NPA)

Ito ay kahit nagdeklara ang Pangulong Rodrigo Duterte ng unilateral ceasefire sa NPA epektibo kaninang hatinggabi at matatapos hanggang hatinggabi ng January 7.

Sinabi ni Cascolan na sumusunod ang PNP sa ceasefire na ipinagutos ng Pangulo, at kasalukuyan nang umiiral ang suspension of Police Operations laban sa NPA.


Pero Paliwanag ni Cascolan, hindi sakop ng ceasefire ang mga law enforcement Operations.

Meron parin aniyang tungkulin ang PNP na ipatupad ang mga warrant of arrest laban sa mga wanted na NPA dahil ito ay bahagi ng pagpapatupad ng batas na mandato ng PNP.

Facebook Comments