Law enforcers at LGU personnel na sablay sa pagpapatupad ng ECQ, dapat kastiguhin ng DILG

Pinapakilos ni Senator Risa Hontiveros ang Department of the Interior and Local Government o DILG laban sa mga law enforcers at mga tauhan ng Local Government Units (LGUs) na mali ang pagpapatupad ng patakaran kaugnay sa umiiral ngayong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa “NCR Plus.”

Ang pangangalampag ni Hontiveros sa DILG ay kasunod ng mga reports at kumalat na mga impormasyon at video sa social media ng pag-aresto, pag-ticket, o pagharang sa mga delivery riders at sa kanilang customers.

Diin ni Hontiveros, malinaw sa Omnibus Guidelines ng Inter-Agency Task Force na ang delivery at courier services ay lubos na pinapayagan sa ilalim ng ECQ.


Paalala pa ni Hontiveros sa law enforcers, ang pagpapatupad ng mga health guidelines ay may layuning iligtas ang tao mula sa COVID-19 at hindi para gutumin sila o patayin ang hanapbuhay.

Binanggit din ni Hontiveros, na sa harap ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho at limitadong tulong-pinansyal ay dapat hayaan ang mga kababayan natin na maghanapbuhay basta’t sumusunod sila sa health protocols.

Facebook Comments