Nakatakdang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang parte ng lawa sa Scarborough Shoal bilang “no-fish zone.”Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na ito ang ipinarating ng Pangulo kay Chinese President Xi Jinping sa isinagawa nilang pag-uusap sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leader’s Meeting sa Lima, Peru.Ayon kay Esperon – idedeklara ang nasabing parte ng lawa bilang ‘marine sanctuary at no-fish zone’ dahil ito ang lugar kung saan nangingitlog at nagpaparami ang mga isda.Ipinaliwanag ni Esperon na ito muna ang ginagawang hakbang ng gobyerno kaysa sa igiit na panalo ang Pilipinas laban sa China at dapat silang umalis doon.Itinakda sa susunod na mga linggo ang pagpupulong para sa paggawa ng draft sa executive order ng declaration ng Scarborough Lagoon Area bilang marine sanctuary.
Lawa Sa Scarborough Shoal – Idedeklara Ni Pangulong Duterte Bilang Marine Sanctuary
Facebook Comments