Lawak ng epekto ng aberya sa katatapos na eleksyon, inaaalam na ng NAMFREL

Patuloy na inaalam ng NAMFREL ang lawak ng epekto ng mga nangyaring problema sa nakalipas na 2019 midterm elections.

 

Ayon sa NAMFREL, wala pa din paliwanag ang Comelec sa nangyaring pagpalya ng halos pitong oras ng pagka-aberya ng resulta ng transparency server.

 

Sinabi ni NAMFREL Council Member Lito Averia na sila na ang bahalang tumukoy sa resulta ng mga nasirang vote counting machine o VCM at mga SD cards ng bawat presinto.


 

Sisikapin din nilang matukoy kung ano nang nangyari sa boto sa mga apektadong lugar lalo na’t patuloy silang nakakatanggap ng ulat na hindi pa din napapalitan ang mga nasirang SD cards.

 

Iginiit din ng NAMFREL na kwestyunable ang kredibilidad at intergridad ng katatapos na election dahil nakatago daw ang central server ng Comelec at kulang ang kanilang paliwanag sa  tinatawag na “meet me room” operations.

 

Facebook Comments