Mas lumawak pa ang gagawing pagtulong ng Asian Development Bank o ADB sa Pilipinas sa pamamagitan ng Official Development Assistance o ODA.
Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos makipag pulong kay ADB President Masatsugu Asakawa kahapon.
Ayon sa pangulo, ngayon maging ang usapin patungkol sa agrikultura, re-skilling , re-training, climate change at kung papaano itio ma-mitigate ay pinag-usapan na nila ni ADB president.
Pinag-usapan din ang pag-develop pa ng mga programa ng pamahalaan katulad ng food at energy security, at pagsuporta sa nano business at micro small and medium enterprises.
Dati kasi prayoridad ng pagtulong ng ADB ay para sa infrastructure program ng Pilipinas.
Facebook Comments